Alpabeto ni Sirach

Ang Alpabeta ni ben Sirach o Alphabetum Siracidis o Othijoth ben ay isang panitikang Hudyo na may inspirasyon ng Karunungan ni Sirach. Ito ay pinaniniwalaang mula 700 CE. Ito ay kalipunan ng dalawang talaan ng mga kawikaan, 22 sa Aramaiko at 22 sa Hebro na parehong isinaayos sa mga akrostikang alpabetiko. Ito ay isinalin sa Latin, Yiddish, Judeo-Spanish, wikang Pranses at wikang Aleman. Ang isang parsiyal na saling Ingles ay lumitaw kina Stern at Mirsky (1998).


Developed by StudentB